

Sa lingguhang programa ng lungsod, ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga natatanging guro ng Mandaluyong High School (MHS) na patuloy na nagdadala ng karangalan sa kanilang paaralan at sa buong lungsod. Kinilala ang kanilang kahusayan, dedikasyon, at mga natamong tagumpay sa larangan ng akademya, kabilang ang pagkamit ng graduate studies.
Sa parehong programa, kinilala rin ng lungsod ang mga natatanging estudyante ng MHS na umani ng karangalan sa ibaât ibang larangan, kabilang ang akademya, pamamahayag, at iba pang kompetisyong pang-edukasyon.
Ang pagkilalang ito ay patunay na ang husay, sipag, at dedikasyon ng mga guro at mag-aaral ng MHS na nagsisilbi rin na inspirasyon at maipagmamalaki ng Mandaluyong. Patuloy na susuportahan ng Pamahalaang Lungsod ang mga gurong humuhubog sa kabataan at mga estudyanteng nagsisikap na abutin ang kanilang mga pangarap at maging produktibong kabahagi ng pamahalaang lungsod.

