

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at dating Mayor Ben Abalos, ang mga natatanging guro at mag-aaral ng Amado T. Reyes Elementary School (ATRES) bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, kahusayan, at mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng paaralan at ng edukasyon sa lungsod.
Bahagi ang naturang pagkilala sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng ATRES bilang pagpupugay sa mga gurong patuloy na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon at sa mga mag-aaral na nagpakita ng natatanging husay sa akademiko, palakasan, sining, at iba pang larangan. Nagsisilbi rin itong inspirasyon sa iba pang Batang MandaleÃąo na patuloy na magsikap, mangarap, at maging huwaran sa kanilang paaralan at komunidad.

