Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

NATATANGING KAWANI MULA SA PROJECT TEACH, PINARANGALAN NG MANDALUYONG

Buong-pusong kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga natatanging kawani ng Project Therapy, Education and Assimilation of Children with Handicap (TEACH) na mahigit isang dekada nang tapat na naglilingkod at nagbibigay ng suporta, terapiya, edukasyon, at iba pang mahahalagang serbisyo para sa mga batang may espesyal na pangangailangan at kanilang mga pamilya.

Kabilang sa mga kinilala sina:
-Jose Benedicto Gonzales – 14 taon
-Melissa Mendoza – 13 taon
-Maria Cristina Raymundo – 13 taon
-Tanya Bernadette Ty – 12 taon
-Ellen Gonzalo – 12 taon
-Eleazar Ang – 11 taon
-Leonora ZuÃąiga – 11 taon
-Jomel Marchan – 11 taon
-Christine May Areniego – 11 taon
-Gerlie Dedase – 10 taon
-Cristina Coronado – 10 taon

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng paggunita sa ika-19 na anibersaryo ng Project TEACH, bilang pagpupugay sa dedikasyon at malasakit ng mga kawani na patuloy na nagsisilbing katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagtataguyod ng inklusibong serbisyo at mas magandang kinabukasan para sa mga batang MandaleÃąo na may espesyal na pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *