

Buong pagmamalaking itinampok ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Boy Scouts of the Philippines (BSP)–City of Mandaluyong Council President at Konsehal Benjie Abalos, ang iba’t ibang pambansang karangalang nakamit ng BSP–City of Mandaluyong Council sa lingguhang programa ng lungsod ngayong Oktubre 26, 2026, kaugnay sa paggunita ng Scouting Month.
Kabilang sa mga karangalang itinampok ang:
🏅 Silver USA Award
🏅 Three Bears Award
🏅 Manager of Learning
🏅 Eagle Scout
🏅 Advanced Training Course
Bukod dito, nakamit din ng BSP–City of Mandaluyong Council ang prestihiyosong Lorillard Special Award, kung saan kinilala ang konseho sa mga kategoryang Best Performance in Scout Advancement at Best Performance in Council Administration.
Sumasalamin ang mga karangalang ito sa patuloy na pagsusulong ng BSP–City of Mandaluyong Council ng disiplina, pamumuno, pagkakaisa, at bolunterismo, gayundin sa kanilang dedikasyon sa paghubog ng mga kabataang Mandaleño bilang mga responsableng mamamayan at lider ng susunod na henerasyon.

