

Isang makabuluhan at makasaysayang hakbang tungo sa mas inklusibo at makataong paglilingkod ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Sangguniang Panlungsod, at ng Gender and Development Department sa pamamagitan ng opisyal na paglulunsad at turn-over ng Right to Care (RTC) Card, alinsunod sa City Ordinance No. 1048, s. 2026 o ang âMandaluyong City Health Care Proxy Ordinance of 2026â.
Layon ng programang ito na kilalanin at pangalagaan ang karapatan ng mga LGBTQIA+ partners at common-law spouses sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang magpasya at kumatawan sa isaât isa sa mga usaping medikal at pangkalusugan.
MAHALAGANG PAALALA: Hinihikayat ang publiko na umantabay at hintayin ang opisyal na anunsyo hinggil sa iskedyul at proseso ng pagpaparehistro para sa Right to Care (RTC) Card.

