

Nag-alay ng Plake ng Pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sa pamilya Lopez bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng yumaong dating Alkalde Isaac Lopez sa pagkakatatag ng Isaac Lopez Integrated School (ILIS)—isang institusyong patuloy na humuhubog at nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang Mandaleño hanggang sa kasalukuyan.
Isinagawa ang pag-aalay ng pagkilala sa Lingguhang Programa ng pamahalaang lungsod bilang pakikiisa sa ika-22 anibersaryo ng pagiging integrated school ng ILIS.

