



Nabalot ng kinang at karangalan ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong matapos maiuwi ang korona ng tagumpay ni reigning Miss Mandaluyong 2026 na si Alyssa Villariña ang titulong Miss Earth Philippines–Water 2026. Sa kaniyang ipinamalas na kagandahan, talino, at husay sa entablado, muli niyang ipinagmalaki ang Mandaluyong at nagbigay-inspirasyon sa bawat Mandaleño.
Nagpahayag ng taos-pusong pagbati at buong suporta ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at ng Sangguniang Panlungsod, sa pamamagitan ng Resolution No. 3818 na kumikilala sa kaniyang natatanging tagumpay.
Kaisa ang buong lungsod sa pagnanais ng tagumpay para kay Alyssa habang patuloy niyang kinakatawan ang Mandaluyong at ang Pilipinas sa kaniyang adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan.

