Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento na matagumpay na nakapasa sa Civil Service Examination (CSE) na isinagawa noong Marso 2026 at nakamit ang Professional at Sub-Professional Levels.
Patunay ito sa kanilang sipag, dedikasyon, at kahusayan bilang mga lingkod-bayan. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kawani na patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan para sa mas mahusay na serbisyo publiko para sa mga Mandaleño.


