

Bilang pagpupugay sa mahalagang kontribusyon ng mga nakatatandang Mandaleño sa komunidad, binigyang-pagkilala sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga pangulo mula sa iba’t ibang barangay na bumubuo sa Association of Senior Citizens Chapters in Mandaluyong (ASCIM), ngayong Oktubre 19, 2026, sa Atrium–Executive Building.
Ang ASCIM ay mahalagang katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa karapatan, kapakanan, at dignidad ng mga nakatatandang Mandaleño.

