Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

PAGKILALA SA MGA ESTUDYANTE MULA SA ILIS

Kasing-sigla ng kanilang mga choreography ang parangal na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sa mga atletang mula sa Isaac Lopez Integrated School (ILIS) na naghatid ng karangalan sa lungsod matapos magwagi sa larangan ng Dance Sport sa idinaos na Batang Pinoy 2025 sa General Santos City, Mindanao.

Kabilang sa mga mag-aaral na kinilala sina:

ðŸĨ‡ GOLD MEDALISTS:
ấ John Raphael Requizo
ấ Marie Antonette Abuan
ấ Kenneth Lim
ấ Angeline Rose Estclero
ấ Eithan James Patrick Pitogo
ấ Princess Nicole De Los Santos

ðŸĨˆ SILVER MEDALISTS:
ấ Kenneth Lim
ấ Rozette Anne Dangaran
ấ John Michael Requizo
ấ Marie Antonette Abuan
ấ Eithan James Patrick Pitogo
ấ Akira Gaile Estolero

ðŸĨ‰BRONZE MEDALISTS:
ấ Lawren Vhier Zaldivia
ấ Alliyah Jewel Mateo
ấ Rozette Anne Dangaran

Nagwagi naman ng silver medal sa International IT Challenge category si John Micho Lanuza sa ginanap na Global IT Challenge for Youth With Disablities.

Isinagawa ang pagkilala sa mga nagwaging atleta sa isang lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na ginanap sa Isaac Lopez Integrated School (ILIS), bilang pakikiisa sa ika-22 anibersaryo ng pagiging Isaac Lopez Integrated School ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *