

Bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang Samahang Tagapagpalagap ng Wikang Filipino-Mandaluyong ng Pagsasanay-Worksyap sa Korespondensiyang Opisyal at Pagpaplano na dinaluhan ng kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga boluntaryong Mandaleño, ngayong Hulyo 15, 2026, sa Aklatang Panlungsod.
Layunin ng pagsasanay na higit pang paunlarin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa wastong paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat ng mga opisyal na korespondensiya at sa epektibong pagpaplano ng mga programa at gawain. Ito ang patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagpapayabong ng wikang Filipino bilang mahalagang kasangkapan sa mahusay na pamamahala at paglilingkod sa mamamayan.

