Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

PAGSUSULONG NG MANDALUYONG SA MENTAL HEALTH AT STRESS MANAGEMENT NG GAD SCHOLARS

Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Mental Health Awareness and Stress Management Seminar para sa mga Gender and Development (GAD) Scholars ngayong Hulyo 15, 2026 sa Ciara’s Events Place. Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan ng mga iskolar hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan, tamang pamamahala sa stress, at pagpapaunlad ng kanilang emosyonal na katatagan upang higit silang maging handa sa pagharap sa mga hamon sa pag-aaral at pang-araw-araw na buhay.

Personal na dinaluhan nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Konsehal Charisse Abalos-Vargas at Konsehal Benjie Abalos, ang kaganapang ito bilang patuloy na pagsusulong ng lungsod sa mga programang nagbibigay-prayoridad sa mental health at holistic na pag-unlad ng mga kabataang Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *