Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

PALA, MONDIDO AT SALES, NAGHATID-KARANGALAN SA MANDALUYONG SA LARANGAN NG PAGEANTRY

Napuno ng ningning at pagmamalaki ang lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong matapos kilalanin, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at ng 13th City Council, ang mga Mandaleñong naghatid ng karangalan sa lungsod sa larangan ng pageantry at modeling.

Kabilang sa mga kinilala sina:
· Zeah Nestle Pala (2nd Runner-up Miss Mandaluyong 2025) – 3rd Runner-Up, Reina Filipinas 2026
· Habie Mondido (3rd Runner-up Miss Mandaluyong 2026) – Grand Winner, SupermodelMe
· Zandro Posadas Sales (from Brgy. Poblacion) – 1st Runner-Up, Mr. Philippines 2026

Sa kanilang husay, talento at determinasyon, muling pinatunayan ng mga Mandaleñong ito na kayang magningning at mangibabaw ng Mandaluyong sa anumang entablado. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan, kundi inspirasyon din sa kapwa Mandaleño na patuloy na mangarap, magsikap at buong pagmamalaking dalhin ang pangalan ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *