

Kaugnay ng pagdiriwang ng Nutrition Month nitong Hulyo, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ng isang symbolic turnover ng iba’t ibang halamang gulay at mga seedlings sa bawat departamento ng lungsod, mga konsehal, at mga kapitan ng barangay bilang bahagi ng pagsusulong ng masustansyang pagkain at pangangalaga sa kalikasan.
Sa pangunguna ng City Nutrition Committee, layon ng programang ito na hikayatin ang bawat MandaleÃąo na magtanim ng sariling gulay at iba pang halamang makakain bilang suporta sa food security, wastong nutrisyon, at pagpapaunlad ng urban gardening. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang isang mas malusog, mas luntian, at mas sustenableng pamayanan para sa bawat MandaleÃąo

