

Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal ng Mandaluyong Police Station Advisory Council, na nagsisilbing katuwang ng kapulisan sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad, kaugnay sa pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations Month ngayong Hulyo.
Kasamang nagpatotoo sa panunumpa sina Vice Mayor Anthony Suva at mga Konsehal, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa patuloy na pagpapaigting ng mga programang pangkaligtasan at pangkaayusan para sa kapakanan ng bawat MandaleÃąo.

