Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

PANUNUMPA NG SAVER, JJG AT SCPB SA MANDALUYONG

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Week 2026, pinangunahan ni GSP–Mandaluyong Council President at Mayor Menchie Abalos ang opisyal na panunumpa ng mga miyembro ng Service Auxiliary Volunteers for Emergency and Relief (SAVER), Junior Journalist Guild (JJG), at Senior and Cadet Planning Board (SCPB).

Ang mga ito ay mga samahang pinamumunuan ng mga Girl Scout na naglalayong linangin ang kakayahan ng kabataan sa pamumuno, komunikasyon, paghahanda sa sakuna, at makabuluhang paglilingkod sa komunidad.Sa pamamagitan ng kanilang panunumpa, muling pinagtibay ng mga kabataang Girl Scout ang kanilang pangakong maging responsableng lider at aktibong katuwang sa pagbuo ng isang ligtas, maunlad, at nagkakaisang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *