

Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at pinatotohanan ni Vice Mayor Anthony Suva, ang Oathtaking Ceremony ni Punong Barangay J-IV Miguel Solano Espiritu bilang bagong kapitan ng Barangay Hagdan Bato Itaas, na isinagawa sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong.
Sa kanyang panunungkulan, inaasahan ang pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programang nakatuon sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng mga residente ng Barangay Hagdan Bato Itaas.

