

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay nagbigay ng pagkilala sa 18 kawani ng Project TEACH (Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap) dahil sa kanilang patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa ilalim ng proyekto.
Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang pagbigay ng parangal sa mga nasabing kawani, kasama sina Vice Mayor Anthony Suva at Atty. Benhur Abalos – ang kinikilalang ama o founder ng Project TEACH.
Ang aktibidad ay ginanap kaugnay sa pagdiriwang ng ika-18 anibersaryo ng Project TEACH na itinatag noong 2007 at umani ng iba’t ibang mga parangal kabilang ang Galing Pook Award noong 2012. Layon ng program na makapagbigay ng libreng therapy, special education, at iba pang serbisyo o interbensiyon para sa mga batang may kapansanan na nabibilang sa mga pamilyang kapos sa pinansiyal.

