

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagpapahayag ng pasasalamat at pakikiisa ni Philippine Coast Guard (PCG) Weapons, Communications, Electronics, and Information System Command Captain Maria Ronalyn Abu sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta ng lungsod sa kanilang hanay.
Bukod pa rito, inihayag din niya ang pakikiisa ng kanilang tanggapan sa pagdiriwang ng National Womenâs Month ngayong Marso, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan at sa serbisyo publiko.

