

Panibagong kasanayan at pangkabuhayan ang hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na magkatuwang na isinagawa ng Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Training Center, City Cultural Affairs and Tourism Department, City Health Department at City Nutrition Committee, matapos ang Pickled Vegetable Cooking Demo at Lecture sa Entrepreneurship, Product Packaging & Branding para sa mga Mandaleñong nais matuto ng naiibang kasanayan at mapaunlad ang kanilang potensyal sa pagnenegosyo.
Sa karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga kalahok hinggil sa paggawa ng produkto, wastong packaging, at pagbuo ng tatak ay tiyak na makatutulong sa pagtaguyod ng kanilang mga negosyong pangkabuhayan. Isinagawa ang programa sa Manpower Training Center noong Hulyo 7, 2026.

