

Bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag sa pagkakatatag at patuloy na pagpapaunlad ng Amado T. Reyes Elementary School (ATRES), iginawad ng Barangay Buayang Bato, sa pangunguna ni Punong Barangay Reynaldo Nobela, kasama ang iba pang miyembro at mamamayan ng barangay, ang isang Plaque of Appreciation kay dating Mayor Ben Abalos sa ginanap na Monday Morning Program sa paaralan ngayong Hulyo 20, 2026.
Ang naturang pagkilala ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng ATRES at nagsisilbing pagpupugay sa kanyang pamumuno at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang nagpalawak ng akses sa dekalidad na edukasyon para sa mga batang MandaleÃąo.

