



Bilang pagkilala sa sakripisyo, galing, at determinasyon ng mga kabataang Mandaleño, nagbigay-pugay ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, kay PLT. Joshua Ona, isa sa mga Mandaleñong matagumpay na nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite, sa isang seremonyang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang tagumpay ni PLT. Ona ay sumasalamin sa dedikasyon at matibay na hangarin ng kabataang Mandaleño na makapaglingkod nang may dangal, katapatan, at malasakit sa bayan, na higit pang nahubog sa kanyang pag-aaral sa Mandaluyong.

