Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

PTA NG ATRES, NANUMPA SA MANDALUYONG

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng Amado T. Reyes Elementary School (ATRES), pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Parent-Teacher Association (PTA) ng paaralan sa isinagawang lingguhang programa ng pamahalaang lungsod ngayong Hulyo 20, 2026.

Sinaksihan ang panunumpa nina Vice Mayor Anthony Suva at dating Mayor Ben Abalos, kasama sina Department of Education (DepEd) Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Filemon Ray Javier, Schools Division Office-Mandaluyong Superintendent Dr. Margarito Materum, Buayang Bato Punong Barangay Reynaldo Nobela, mga opisyal ng paaralan, mga guro, at mga magulang. Ang panunumpa ay sumisimbolo sa pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at ng Pamahalaang Lungsod upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral na MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *