

Ipinakita ng mga daycare student at batang guest riders ang kanilang galing sa ginanap na ikalawang Push Bike Fun Day sa Mandaluyong city hall.
Napuno ng sigla at saya ang makabuluhang aktibidad na ito na layong palakasin ang kakayahan, disiplina, pakikipagkapwa at interes ng mga bata sa aktibo at malusog na pamumuhay.
Buo ang suporta ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Konseho, sa mga ganitong programa para sa maayos na paglaki ng mga bata sa lungsod.

