

Bilang bahagi ng paggunita sa National Disability Rights Week, inilunsad at ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at Persons with Disability Affairs Division (PDAD) Head Wennah Marquez, ang kauna-unahang programa sa National Capital Region (NCR) na nagbibigay ng Rokid AI Glasses at customized wheelchair para sa mga MandaleÃąong may kapansanan.
Ang Rokid AI Glasses ay isang makabagong assistive technology na tumutulong sa mga Persons with Disability (PWD), partikular sa mga may kapansanan sa paningin, sa pamamagitan ng audio assistance, pagkilala ng mga bagay at teksto, at iba pang feature na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Samantala, ang customized wheelchair ay idinisenyo upang matugunan ang indibidwal na pangangailangan ng mga benepisyaryo, bilang suporta sa mas ligtas, komportable, at malayang pagkilos.
Isang Malaki at makasaysayang hakbang ito tungo sa mas inklusibo at accessible na serbisyo para sa mga MandaleÃąong may kapansanan, gamit ang teknolohiya at programang tumutugon sa kanilang pangangailangan.

