Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

SAN MIGUEL, ILOILO GANAP NANG KAPATID-BAYAN NG MANDALUYONG

Selyado at pirmado na ang Sisterhood Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng San Miguel, Iloilo, matapos itong opisyal na lagdaan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, at Mayor Bonifacio Salapantan Jr. at Vice Mayor Rochin Sherwin Sanchez, alinsunod sa Council Resolution No. 76, S-2026 ng San Miguel at City Resolution No. 3792, S-2026 ng Mandaluyong. Layunin ng kasunduang ito na higit pang patatagin ang ugnayan ng dalawang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman, pinakamahusay na mga programa, at mga inisyatibong magtataguyod ng mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pampubliko.

Sinaksihan ang naturang lagdaan ng mga konsehal at department head ng dalawang lokal na pamahalaan. Ang kasunduang ito ang ika-69 na Sisterhood Agreement ng Lungsod ng Mandaluyong, na higit pang nagpapatibay sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *