

Buong lakas na kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga opisyal at kawani ng Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong sa pamumuno ni Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa lungsod.
Ipinakita ng SDO-Mandaluyong ang patuloy na dedikasyon sa dekalidad na edukasyon para sa lahat ng MandaleÃąo, sa pamamagitan ng mahusay na pamamahala, matibay na ugnayan sa mga paaralan, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga Batang Mandunong.

