

Buong pagmamalaking itinampok ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, si Ezekiel Severino, Grade 12 student ng Mandaluyong High School (MHS) at trainee ng Mandaluyong Manpower Technical-Vocational Training Center (MMTVTC), na kakatawan sa Pilipinas sa nalalapit na World Skills Competition na gaganapin sa Sapa, Vietnam.
Napili si Severino bilang pambato ng bansa matapos magpakitang-gilas sa National WorldSkills Philippines Competition sa Creative Arts and Fashion Category, kung saan nagkamit siya ng bronze medal laban sa 137 na kalahok mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Patunay ito ng kanyang talento, dedikasyon, at pagsusumikap, gayundin ng patuloy na suporta ng Lungsod ng Mandaluyong sa paghubog ng mga kabataang MandaleÃąo na kayang makipagsabayan at magbigay ng karangalan sa pandaigdigang entablado.

