Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

SLAMBOOK NG MCST, BIDA SA LINGGUHANG PROGRAMA NG MANDALUYONG

Napuno ng saya, musika, at aliw ang lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, matapos magtanghal ang mga mag-aaral ng Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) ng kanilang original musical play na pinamagatang “Slambook”.

Isinulat ni MCST Officer-in-Charge at President Dr. Jonathan Chiong, tampok sa Slambook ang mga karanasan, hamon, at makabuluhang alaala ng mga mag-aaral sa pagbabalik eskwela noong 1987. Sa pamamagitan ng musika at pag-arte, naipamalas ng mga estudyante ang kanilang talento habang nagbibigay ng inspirasyon at pagpapahalaga sa kanilang buhay-estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *