Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

SUOT NA DANGAL, SERBISYONG MAY PUSO: BJMP UNIFORM SHOWCASE SA MANDALUYONG CITY HALL

Bumida ang mga Jail Officer mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)–Mandaluyong City Jail sa Monday Morning Program ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at JCINSP Jose Marie Sabeniano, sa isinagawang “BJMP Uniform Showcase” kung saan itinampok ang iba’t ibang unipormeng kanilang isinusuot sa pagtupad ng tungkulin, ngayong Oktubre 19, 2026.

Kaugnay ng paggunita sa National Correctional Consciousness Week 2026, binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng propesyonalismo, disiplina, at dedikasyon ng mga kawani ng BJMP sa pagpapanatili ng seguridad, kaayusan, at makataong pangangalaga sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *