

Kaugnay sa pagdiriwang ng Councilors’ Week ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay iniabot kay Mayor Menchie Abalos ng Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor Anthony Suva, ang mga resolutions at ordinances na naipasa ng ika-13 Konseho sa loob ng 60 araw simula ng kanilang pag-upo sa puwesto noong Hulyo ng taong kasalukuyan.
Kasabay nito ay iniabot din kay Mayor Menchie ang mga resolutions at ordinances na naipasa ng ika-12 Konseho sa administrasyon ni dating Mayor Ben Abalos.
Ang pamahalaang lungsod ay bumabati at nagpapasalamat sa bawat Konsehal sa kanilang taos-pusong paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagbuo ng mga batas para sa ikauunlad ng lungsod at ng bawat Mandaleño.

