City of Mandaluyong

News Updates



News Details  
MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG MAGBUBUKAS AT MAG-RENEW NG NEGOSYO NGAYONG 2021. Monday, January 4, 2021

Ang lahat ng establisyimento para sa renewal ay hinihikayat na mag-process online sa kanilang business permit.

Narito po ang proseso para sa ating ONLINE BUSINESS RENEWAL:

  1. Mag-register sa https://online.mandaluyong.gov.ph/.../OnlineServices/login
  2. Kapag naka-rehistro na, maglog-in at i-enroll ang business na kukuhaan ng permit. Sa pag-enroll, kinakailangan ang Business Account Number, Latest Official Receipt No. at Official Receipt Date.
  3. Kapag successful ang inyong registration, i-click ang ‘renew business’, punan ang mga impormasyon at i-upload ang mga dokumentong kinakailangan at isumite online. Para sa mga nais isumite ang dokumento diretso sa city hall via dropbox, kumuha ng schedule sa online.mandaluyong.gov.ph. Ilagay ang lahat ng inyong dokumento sa long brown envelope at isulat ang Business Account No., Pangalan, Contact Information katulad ng landline, cellphone, at email address.
  4. Mag-antay ng email mula sa BPLO para sa Approval ng inyong Business Renewal Application. Kung kulang ang inyong dokumento, makakatanggap pa rin kayo ng email para makumpleto ito. Para sa mga personal na nagsubmit via dropbox sa city hall, mag-antay ng text o email mula sa BPLO.
  5. Magbayad sa online.mandaluyong.gov.ph. Kung hindi kabilang ang inyong bangko sa list of authorized banks, maaari kayong kumuha ng iskedyul ng inyong pagbabayad sa city hall gamit ang Qmobile App ng Timefree (maaari itong madownload sa Google Play at Apple Store).
  6. Ang BPLO ay makikipag-ugnayan sa inyo kung kailan makukuha ang inyong lisensya matapos ang inspeksyon at ilang mga post audit requirements.

Para naman sa mga NEW BUSINESS, sundin ang prosesong ito:

  1. Mag-register sa https://online.mandaluyong.gov.ph/.../OnlineServices/login
  2. Kapag naka-rehistro na, magtungo sa City Hall para sa assessment ng BPLO sa inyong aplikasyon at mga dokumento. Kung ang mga dokumento ay kumpleto na, maaari na itong isumite via dropbox sa City Hall. Ilagay ang lahat ng inyong dokumento sa long brown envelope at isulat ang Business Account No., Pangalan, Contact Information katulad ng landline, cellphone, at email address.
  3. Mag-antay ng text o email mula sa BPLO para sa Billing Statement o Tax Order of Payment (TOP).
  4. Bayaran ang Total Amount na nakasaad sa TOP sa city hall. Maaari kayong kumuha ng iskedyul ng inyong pagbabayad sa city hall gamit ang Qmobile App ng Timefree (maaari itong madownload sa Google Play at Apple Store).
  5. Ang BPLO ay makikipag-ugnayan sa inyo kung kailan makukuha ang inyong lisensya matapos ang inspeksyon at ilang mga post audit requirements.<.li>

Para sa iba pang katanungan, tumawag o mag-email sa:

CITY INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY DEPARTMENT para sa mga tanong sa pag rehistro sa online.mandaluyong.gov.ph 8533-5304 o 8532-5001 to 28 ext 514/530 [email protected]
CITY BUSINESS PERMITS & LICENSING DEPARTMENT para sa mga tanong sa business requirements 8535-7357 / 8532-4437 8532-5001 to 28 ext 412 / 245 [email protected]

Maraming Salamat at Manigong Bagong Taon.


Updates
 

Get To Know Our
 

Contact Numbers
Main Trunkline
8532-5001

Police
8532-2145

Fire
8532-2189 / 8532-2402

Hospital
8532-0480

Disaster/Rescue
8533-2225

COVID-19 HotLines
COVID-19 Concerns
0916-255-8130 / 0961-571-6959

City Health Office
8534-0163





Home   Site Map   Links   Data Privacy Back to top Web Development : Rey Nuñez

© 2021 City of Mandaluyong All rights reserved.

If you have any question, comment or suggestion
about this site, please send us a note