City of Mandaluyong

News Updates



News Details  
PARA SA MAS MAAGANG PAGBILI NG COVID-19 VACCINE Monday, January 11, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos ay lumagda na sa isang tripartite agreement sa pagitan ng AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. at ng national government para sa maagang pagbili ng COVID-19 vaccine na may halagang P200 milyon.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod noong January 6 ang Resolution No. 2961, Series 2021 kung saan pinapayagan si Mayor Menchie Abalos na pumasok, lumagda, at magpatupad ng isang multilateral agreement sa AstraZeneca.

Nagkaisa sina Abalos at ang Sangguniang Panlungsod sa pagpili sa bakunang gawa ng AstraZeneca dahil ito ay inaprubahan na ng United Kingdom government noong December 30, 2020.

Ang local subsidiary na AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. ay nag-alok din sa pamahalaang lungsod ng nasabing bakuna sa mas mababang halaga.

Ito rin ay mas madaling ipamahagi dahil kinakailangan lang nito ng 2 hanggang 8 degrees Celsius na temperatura.


Updates
 

Get To Know Our
 

Contact Numbers
Main Trunkline
8532-5001

Police
8532-2145

Fire
8532-2189 / 8532-2402

Hospital
8532-0480

Disaster/Rescue
8533-2225

COVID-19 HotLines
COVID-19 Concerns
0916-255-8130 / 0961-571-6959

City Health Office
8534-0163





Home   Site Map   Links   Data Privacy Back to top Web Development : Rey Nuñez

© 2021 City of Mandaluyong All rights reserved.

If you have any question, comment or suggestion
about this site, please send us a note