Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

WISH LISTS MULA SA MGA PDL, TINUPAD NG MANDALUYONG

Maagang pamaskong handog ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)–Mandaluyong City Jail, sa mga mapalad na Persons Deprived of Liberty (PDL) na nabunot sa Wishlist Parol, na itinampok sa Lingguhang Programa ng lungsod ngayong Oktubre 19, 2026.

Kabilang sa mga kahilingan ng mga PDL ang mga tsinelas na agad na tinugunan ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng isinagawang turn-over ceremony sa Ciara’s Events Place. Layunin ng inisyatibang ito na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at maipadama ang patuloy na malasakit, suporta, at pagbibigay ng pag-asa sa mga PDL, lalo na sa nalalapit na panahon ng Kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *