Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

WORLD AIDS DAY CELEBRATION SA MANDALUYONG CITY HALL

Matagumpay na idinaos ang pagdiriwang ng World AIDS Day sa City Hall Executive Building nitong December 1, 2025. Maraming Mandaleño ang nakiisa at tumangkilik sa mga itinayong booths at sa iba’t ibang serbisyong medikal na handog ng City Health Department at ng Social Hygiene Clinic and Treatment Hub.

Tampok sa selebrasyon ang pagpapalabas ng “BUGSO”, na layuning pataasin ang kaalaman ng publiko hinggil sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Sexually Transmitted Infections (STI).

Nakiisa rin sa aktibidad ang ilang konsehal ng lungsod na nagpahayag ng kanilang suporta sa kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa pagkalat ng HIV at AIDS sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon at paalala sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *