

Kinilala at itinampok sa Lingguhang Programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Punong Barangay Elmer Jose “Pons” Malabanan, si Mr. Philippines–Mandaluyong Zandro Sales mula sa Barangay Poblacion, na magdadala ng pangalan ng lungsod sa entablado ng Mr. Philippines 2026 Coronation Night ngayong Agosto 2, 2026.
Bago pa man tuluyang sumabak sa kompetisyon, agad nang nakamit ni Sales ang pagkilala matapos hirangin bilang Media Choice Awardee sa isinagawang opisyal na media presentation ng patimpalak.
Patuloy ang suporta ng Mandaluyong kay Sales habang kinakatawan niya ang lungsod sa paghahangad na makamit ang prestihiyosong titulo at maipakita ang talento, dedikasyon, at pagmamalaki ng isang tunay na Mandaleño sa pambansang entablado.

