

Buong pagmamalaking pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, sina Bing Pamittan ng Barangay Hulo at Ma. Cecilia Vasquez ng Barangay Highway Hills, na bahagi ng koponang kumatawan sa Pilipinas, matapos itanghal na kampeon sa 2024 International Canoe Federation (ICF) Dragon Boat World Championship na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang prestihiyosong paligsahang ito, na pinangungunahan ng Philippines Canoe Kayak Dragonboat Federation, ay nagtitipon ng pinakamahuhusay na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Patunay ang panalo ng koponan ng Pilipinas, kung saan kabilang sina Pamittan at Vasquez, sa husay at determinasyon ng Mandaleñong atleta sa larangan ng canoeing.