

Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang Mandaluyong Taekwondo Team matapos masungkit ang 9 gold, 8 silver, at 3 bronze medals sa katatapos na 2025 PTA Mapamasa Extreme Taekwondo Championship na ginanap sa Xavier School, San Juan City.
Patunay ang mga tagumpay na ito na ang kabataang Mandaleño ay nagtataglay lakas, disiplina, at husay sa larangan ng isports.