Pinamunuan ni Mayor Ben Abalos ang 2nd ‘Kasalan sa Piitan’ mass wedding kung saan 29 persons deprived of liberty (PDL) ang ikinasal sa kani-kanilang live-in partner. Nakiisa sa nasabing aktibidad sina Vice Mayor Menchie Abalos, Mayor’s Office Chief-of-Staff Charisse Abalos, BJMP-NCR Regional Director Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres, BJMP-Mandaluyong Male Warden Chief Inspector Joey Genecera and Female Warden Chief Jail Senior Inspector Anilyn Dolendo, at mga konsehal ng lungsod.
Kabilang ang programa sa ‘Re-integration, Reformation Program’ ng pamahalaang lungsod na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga PDL na gawing ligal ang pagsasama nila sa kani-kanilang asawa.