Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

4PS PARTYLIST REPRESENTATIVES, NANUMPA SA LUNGSOD NG MANDALUYONG

Kasunod ng flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga sa city hall ay pinamunuan ni Mayor Ben Abalos ang pormal na panunumpa sa kanilang tungkulin bilang kongresista ng 4Ps Partylist sina Congressman Marcelino Libanan at Congressman JC Abalos.

Saksi sa panunumpa nina Congressman Libanan at Congressman Abalos ang kanilang mga pamilya, sina Vice Mayor Menchie Abalos, Eastern Leyte Governor Ben Evardone at DILG-Mandaluyong Director Mary Anne Planas.

Nagpasalamat ang 4Ps Partylist sa tulong na ibinigay ni Mayor Ben at ng pamahalaang lungsod sa nakamit nilang tagumpay sa nakaraang eleksyon at nangakong ipagpapatuloy ang kanilang pagtulong sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *