

Ginanap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang ‘Ala-Stress Habit’ kaugnay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo na pinangunahan ng City Health Department, City Nutrition Committee, at ni dating konsehal Charisse Abalos-Vargas, na masigasig na sumusuporta sa programang pangnutrisyon.Inilunsad noong 2017, ang ‘Ala-Stress Habit’ ay kampanya ng pamahalaang lungsod na hikayatin ang lahat ng nasa city hall na makiisa sa 15 minutong ehersisyo tuwing alas-3 ng hapon at para mapalaganap ang kahalagahan ng araw-araw na pag-ehersisyo sa kalusugan ng bawat isa.