

Mala-sagitsit ng tigre ang ipinamalas ng MANDALUYONG KARATEDO TEAM matapos tanghaling Overall Champion sa katatapos na Governor Ramon Guico 2025 Karatedo Games sa Lingayen, Pangasinan—bitbit ang kabuoang 17 Gold, 7 Silver, at 5 Bronze medals!
Hindi rin nagpahuli sa husay ang Mandaleña na si KYRSTEN DANIELLE “KD” CABUÑAG ng Mandaluyong Fencing Club–Philippine Fencing Association (PFA), na buong tapang na sumalaksak sa iba’t ibang kuponan upang masungkit ang 2 Gold Medals sa Under-12 at Under-14 Women’s Epee sa Superdome, Ormoc City, Leyte.
Buong puso silang kinilala nina Mayor Ben Abalos at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod—isang patunay ng walang kapantay na galing ng Kabataang Mandaleño sa larangan ng isports, at ng walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa kanilang tagumpay.