

Ipinakita kina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ni Barangay Wack Wack Captain Margarita Tan Climaco ang dalawang K-9 dogs na sinanay sa search and rescue operations.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang limang K-9 dogs ang barangay, kabilang ang dalawang sinanay sa bomb detection at isa sa drug detection.
Binabati ni Mayor Ben at Vice Mayor Menchie ang Barangay Wack Wack sa kanilang inisyatibong magkaroon ng mga K-9 dogs. Itinuturing ang mga ito na asset na makatutulong sa barangay sa pagsugpo ng krimen at sa pagtugon sa oras ng sakuna.