

Itinanghal na overall champion sa 1st Barangay Skills Assessment (BSA) ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mandaluyong ang mga fire volunteer ng Barangay New Zaniga sa ginanap na Fire Olympics 2025. Kaugnay ito sa paggunita ng Fire Prevention Month nitong buwan ng March.
Ibinida nina Mayor Ben, Vice Mayor Menchie, at BFP Mandaluyong Chief Marshal Nazrudyn Cablayan ang mga fire volunteer mula sa mga Barangay Poblacion, Wack Wack Greenhills, Barangka Drive, Highway Hills, New Zaniga, Addition Hills, Plainview, at San Jose na nagwagi sa iba’t ibang kategorya na Fire Olympics 2025.