Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

BARANGAY SA MANDALUYONG, UMANI NG SELYO NG KAHUSAYAN SA SERBISYO PUBLIKO

Binigyan ni Mayor Ben Abalos ng pagbati ang Barangay Hagdan Bato Itaas, sa pamumuno ni Kapitan Edmon Espiritu, na pinarangalan ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko Antas 1. Ang parangal ay mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pagkilala sa pagsisikap ng barangay sa pagsulong ng wikang Filipino at paggamit nito sa epektibong serbisyo publiko.

Binigyan din ng pagbati ni Mayor Ben si Librarian-OIC Mercedes Capanang sa pagkakagawad sa kanya ng ikalawang gantimpala bilang Natatanging Propesyunal na Tagapaglingkod ng Pampublikong Aklatan (2022 at 2023). Ang parangal ay taunang ibinibigay ng National Public Library of the Philippines at ng Asia Foundation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *