Pinangunahan nina Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos at Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pagpipinta sa pader sa isang silid aralan sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) bilang hudyat ng Brigada Eskwela 2024 sa lungsod. Nakiisa rin sa aktibidad sina Congressman Boyet Gonzales at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, MMDA Asec Gelo Vargas, mga konsehal, SDO Superintendent Romela Cruz at iba pang opisyal ng SDO-Mandaluyong, at DepEd NCR Director Jocelyn Andaya.