Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

BS NURSING, KABILANG SA MGA BAGONG KURSO NG LOKAL NA KOLEHIYO NG MANDALUYONG

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, na ang kolehiyo ng lungsod na Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) ay nag-aalok na ng tatlong karagdagang kurso para sa mga kabataang Mandaleño.

Sa flag raising ceremony ngayong umaga ay pormal na tinanggap nina Mayor Menchie at MCST Officer-in-charge President Dr. Jonathan Chiong ang certificate of program compliance para sa mga kursong Bachelor of Public Administration, Bachelor of  Physical Education, at Bachelor of Science in Nursing mula kay Commission on Higher Education (CHED) Regional Director Jimmy Catanes.

Ayon kay Catanes, sapat ang kakayahan at mga pasilidad ng kolehiyo na ialok ang mga nasabing kurso.

“May polisiya po ang CHED na hindi ito magbibigay ng COPC hangga’t hindi napapatunayan ng isang institusyon kapag wala itong pasilidad, walang mga  estudyante, at walang kakayahan na patakbuhin ang buong apat na taon (mula first year hanggang fourth year) ng programa,” paliwanag ni Catanes.

Binati din ni Catanes ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong dahil sa tala ng CHED ay pang-pito pa lang ang MCST sa hanay ng mga local universities and colleges (LUCs) sa buong bansa ang mayroong  Bachelor of Science in Nursing program.

Pinasalamatan naman ni Mayor Menchie ang CHED sa patuloy na pakikipagtunlungan at ugnayan nito sa pamahalaang lungsod upang mas mapaigting ang sistema ng edukasyon sa Mandaluyong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *