Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

CONGRESSWOMAN-ELECT QUEENIE GONZALES, BAGONG KINATAWAN NG MANDALUYONG SA KONGRESO

Pormal na nanumpa sa kanyang tungkulin bilang bagong halal na kinatawan ng Mandaluyong si Congresswoman-elect Queenie Gonzales sa harap ni Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Congresswoman Gonzales na handa siyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang lingkod-bayang inatasan ng taumbayan para magsilbi at ipagpapatuloy ang mga programang sinimulan nila ng kanyang asawang si outgoing Congressman Boyet Gonzales.

Tiniyak din ng bagong kongresista ang kanyang malasakit sa mga kabataan, lalo na sa mga Gen Z at Gen Alpha. Ayon sa kanya, naiiba na ang kanilang mga pangarap at pangangailangan, kaya’t dapat pakinggan at paglingkuran din sila ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *