

Sa isinagawang Tribute Program sa lingguhang tagpo, buong pusong nagbigay ng pasasalamat at pagpapahalaga ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, at mga miyembro ng Konseho, kina outgoing Councilor Rodolfo Posadas, at Councilor/Vice Mayor-elect Anthony DLS Suva, sa bisa ng Resolution No. 3626 at Resolution No. 3627 S-2025.
Ang naturang mga resolusyon ay pagbibigay-halaga sa tapat, komprehensibo, at makabuluhang serbisyo publiko na buong pusong ipinamalas nina Councilor Suva at Councilor Posadas sa kanilang panunungkulan sa ika-12 Konseho, na nagsulong ng mga ordinansa at programang patuloy na nagpapalakas, nagpoprotekta, at kumakalinga sa kapakanan ng mga MandaleÃąo.