

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na pinangungunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang Foundever (dating Sitel at Sykes) bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga Mandaleño at sa pagpapalago ng ekonomiya ng lungsod.
Bilang bahagi ng pasasalamat, nagbigay din ang Foundever ng Plaque of Appreciation kay Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, bilang pagpapahalaga sa patuloy na suporta at pagtulong sa kanilang kumpanya.